Jazzel Remetio



Tulang Haiku

Biyaya

Walang biyaya
Tao na makukuha
Sa lupang sira


Maikling Kwento


Ang Munting Bata na Nakasuot ng Pula


Isang araw sa isang barangay may isang batang babae na nag ngangalang Yumi, si yumi ay kinawiwilihan ng lahat lalong lalo na ang kanyang ina. Ang pamilya ni Yumi ay maliit lamang dahil wala na syang ama sa kadahilanang namatay na ito. Nakita kasi ang bangkay ng kanyang ama sa gubat na may nakatusok na sibat sa kanyang dibdib. Wala man syang ama ay may ina at lola parin naman sya. Nakatira sa mismong gubat kung saan pinaatay ang kanyang ama ang kanyang lola. Isang araw ay inutusan si Yumi ng kanyang ina na dalhan ng hinapay at alak ang kanyang lola. Binigyan din si Yumi ng isang patalim upang maprotektahan niya ang kanyang sarili sa kaling may mangyaring masama. Agad na iniligay ni Yumi ang tinapay, alak kasama ang patalim sa munti niyang silidlan at pumatungo sa puso ng gubat. Sa pag lalakad ay nakakita si Yumi ng isang bulaklak na agad na nakabihag ng mga mata nya, pinitas nya ito at natagpuan nalang ang kanyang sarili na pinaliligaran na pala sya ng kumpul ng nasabing bulaklak. Namitas si yumi at ginawa itong dekorasyon sa buhok, kwintas pati na din purselas na plano niyang ibigay sa kanyang lola. Nawili si Yumi at hindi na nya napansin ang oras, gabi na pala. Agad na dinalian ni Yumi ang paglalakad ng may napansin siya sa kanyang likod na sumusunod. Lumingon si yumi at kitang kita nya ang porma ng malaking aso na tumitingin sa kanya. Bilog at maliwanag ang buwan kaya kitang kita nya ang porma ng nilalang. Kumaripas sya ng takbo habang hawak ang silidlan sa lakiwang kamay ay patalim naman sa kabila. Sa wakas, na karating si Yumi sa bahay ng kaniyang lola at pinuntahan ita so kanyang silid. Nagulat sya sa kanyang nakita, walang lola sa kanyang kwarto kundi iang malaking aso. Sa gulat ni Yumi ay bigla nalang niya itong sinaksak sa dibdib ng patalim na hawak niya. Sumabog ang dugo at kumalat sa buong katawan ni yumi. Tumakbo na umiiyak palabas si yumi at ang dating puti niya na damit, ngayon ay pula na. Nakauwi si yumi sa kanilang barangay at kwenento ang nagyari sa kanyang ina. Kinabukasan, pinuntahan ni Yumi, kanyang ina at ilang tao na namamahala sa kanyang barangay ang bahay ng kanyang lola. Laking gulat nila lalo na si Yumi na hindi malaking aso ang nakita nilang may saksak sa dibdib na patalim kundi ang sarili nitong lola. Napaiyak si Yumi at tinanong agad ang kanyang ina ng, ‘’Inay, Aswang ka din ba’’

No comments:

Post a Comment